Keri kahit medyo bulol! ‘Dilaw’ cover ng K-pop group na BLITZERS, pasado pa rin para sa Pinoy fans

Kung dati ang Pinoy artists ang nag-co-cover ng K-pop songs, ngayon naman ang mga K-pop idols na ang nag-co-cover ng OPM songs tulad ng “Dilaw” ni Maki.
Found this article interesting? Help others discover it too!

It’s the thought that counts ang peg ng mga fans ng local group na MAKI dahil napasama ang cover ng “Dilaw” sa mga na-cover ng K-pop group na BLITZERS sa kanilang guesting sa “1theK.”

Aliw ang mga fans sa delivery ng dalawang miyembro ng BLITZERS lalo na sa kanilang accent habang kinakanta ang P-pop hit. Ani mga fans, nakakatuwa na ang mga K-pop idols na nag-co-cover ng mga dance craze at kantang hango sa Pinoy pop.

Bukod sa “Dilaw” ay na-cover na din ng foreign artsists ang “GENTO” ng SB19, “Pantropiko” ng BINI, maging ang mga awitin ni Jack Tabudlo, Ben&Ben, SunKissed Lola, at Lola Amour sa ilang pagkakataon.

“I couldn’t understand a single word. Good job for the effort, though!”

“Turn around! Now kpop is now doing our Ppop this is definitely a rise and new era for ppops it’s time for ppop to rise!”

“wow, 2024 really is the year of ppop and Filipino artist”

“Naging tunog Japanese yung kanta hahaha”