Kendra Kramer, hindi makapaniwala na 13 years old na ang kanyang ‘baby’ Scarlett

Napakasweet ng mensahe ni Kendra Kramer sa kanyang baby sis na si Scarlett noong mag celebrate ito ng 13th birthday.

Hindi lang pang super model at super athlete ang peg ng panganay na anak ni Doug at Cheska Kramer dahil in real life, super ate din ito. Sa kanyang sweet message sa kanyang nakababatang kapatid na si Scarlett, bakas ang closeness ang dalawa lalo na ang pagmamahal nito sa kanyang “baby.”

Sa isang post para i-celebrate ang birthday ni Scarlett, kalakip ang larawan noong bagong panganak pa lang ito, sinabi ni Ate Kendra na hindi siya makapaniwala na ang kanyang baby sis ay 13 years old na.

Bukod sa pagpuri sa pagiging cool ng kanyang kapatid, nangako din ito na lagi itong nasa tabi ni Scarlett para tulungan ito sa anumang bagay na nais nito.

“I’ll always be here, your ate, to help you or be there for you if you need anything.
You’re the coolest 13 year old I know (no bias)😋 God has so much in store for you, so just keep being that amazing girl you are now. Love you doll🤍,” ani Kendra.