Kebs sa bashers! Pelikula ni Maris Racal, wagi ng award sa Berlin Film Festival

Winner ng Crystal Bear Award ang pelikula ni Maris Racal sa Berlin Film Festival.

Kahit na dumaan sa samu’t saring kontrobersiya sa kanyang personal life, bawi naman ng Kapamilya actress na si Maris Racal ang mga bashing na kanyang natanggap nang parangalan ang kanyang palikulang “Sunshine” sa 75th Berlin Film Festival.

Nagkamit ng Crystal Bear award ang kanyang pelikula sa prestihiyosong film festival. Ang Crystal Bear award ay iginagawad sa best feature sa Generation Kplus at Generation 14plus category na tumatalakay sa mga coming-of-age stories mula sa iba’t ibang bansa.

Bukod sa parangal, sold out din ang 1,000 seats ng “Sunshine” sa premiere nito sa Berlin Film Festival na dinaluhan ni Direk Antoinette Jadaone.