Kebs na sa Asoka trend! Vlogger, gumawa ng bersyon para sa K-drama oppa

Kinarir ng isang content creator ang panggaya ng K-drama oppas sa kanyang K-drama leading man challenge.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tiyak na makaka-relate ang mga masusugid na K-drama fans sa Pilipinas sa naisipang gawin ng content creator na si Agassi Noriega habang ang mga kababaihan ay humaling na humaling sa Asoka make up challenge.

Para sa mga kalalakihan, naisipan naman ni Agassi na i-channel ang iba’t ibang sikat na K-drama oppas at i-edit ang mga sikat na eksena ng mga ito sa loob ng isang video.

Siyempre, kasali sa listahan ang ang mga sikat na karakter na ginampanan nina Lee Min Ho, Gong Yoo, Kim Soo Hyun, at Song Joong Ki na nilakipan pa ng mga sikat na OST ng “Boys Over Flowers,” “Goblin,” “Queen of Tears,” at “Descendants of the Sun” na nagpakilig sa K-drama fans.

Katunayan, may iba pang nabitin at nag-request pa ng kanilang mga paboritong serye.

“Sana Aga hinabaan mo alam mo nman sanay kmi sa series”

“grabe lakas nka Oppa galing”

“ang lupeeet”

“Bakit wala si Captain Ri ng Crash Landing on You?”