Kaya pala lasang sardinas! Furdad, aksidenteng nakain ang cake para sa alagang pusa

Daming tawa ang hatid ng isang furdad na aksidenteng kumain ng isang slice ng cake para sa pusa.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Naghatid ng saya ang X user na si MJ Monterubio nang aksidente niyang makain ang isang slice ng cake na para sa kanyang mga pusa.

Itinanong niya kasi sa baker kung pwede itong kainin ng tao at umayon naman ang baker dahil sa pag aakalang ibang kliyente ang nagtatanong.

Ngunit nang makain na niya ang isang slice ay tsaka niya natanggap ang mensahe na pang pusa nga ito.

Mabuti na lamang at na klaro ng baker na hindi siya mapapaano sa kanyang kinain pero talagang ang ilang bahagi ng cake ay talagang papatok sa mga pusa tulad ng mackerel.

Ani, MJ, at least ay naibsan na ang kanyang curiosity kung ano ba talaga ang lasa ng mga ganitong pagkain ng pusa kaya’t ngayon ay alam na niya.