Kaya naman pala! Larawan ni Manny Villar, nasangkot pa sa alamat ng bilyar

Viral ang isang lumang larawan ni dating senador Manny Villar dahil sa paglalaro ng bilyar.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Viral ngayon sa social media ang isang lumang larawan ni dating Senador Manny Villar na nakikipaglaro ng billiards kasama nila Efren Bata Reyes. Paano, ang ilang makulit na netizens, ikinonek ang larawan sa pagtawag na bilyar sa sikat na sport sa Pilipinas.

Tawang-tawa naman ang mga miron sa internet dahil sa nakaisip ng panibagong alamat tungkol sa paboritong sport ng mga teenager.

“Ah kaya nmn pala, so informative , thank you”

“so informative, EPIC!!!”

“Villards is its original name”

“Alamat ng villar”

“Galing ng trivia”

“Dahil dyan nanalo si manny bilyar at yun pinambili nya ng lupa ngayon sobrang dami na subdivision nya”