Patok na patok sa mga viewers ng “It’s Your Lucky Day” ang pagkakasama ni Jennica Garcia sa mga host ng pansamantalang variety show na kapalit ng “It’s Showtime” sa pananghaliang timeslot.
Bukod kasi sa nakakaaliw ang “Dirty Linen” star lalo na kapag nagkamali sa blocking, may mga words of wisdom din itong naipapamahagi galing sa kanyang sariling karanasan sa buhay.
Sa isang segment ng palabas na nag-trending sa social media ay pinalakas ni Jennica ang loob ng mga tulad niyang hindi nauwi sa happy ending ang pag-aasawa.
“Wala kasi akong maisip sa ngayon na taong kailangan ko sa buhay ko kasi dumating na ako sa point na alam ko na na ang kailangan ko lang ay ang sarili ko. Kaya din naman pala,” ani Jennica.
Lalo pa siyang kinabiliban ng mga manunuod nang sabihin niya na masaya siya para sA mga taong naging matagumpay sA buhay may asawa pero para sa mga hindi pinalad, hindi naman nangangahulugan na katapusan na ng lahat.
“Hindi nangangahulugan na pag iniwan lang mag-isa ay sa kangkungan ka lang dadalhin,” paliwanag niya.
“Sa mga kasama natin ngayon dito na biglang naiwan or nagising ka na mag-isa ka na lang, huwag kayong mag-alala, season lang yan. Dadating yung panahon na sasabihin niyo, ay kaya ko naman pala,” pagtatapos nya.
Matatandaang ikinasal si Jennica sa kapwa artistang si Alwyn Uytingco noong 2014 ngunit napaulat na naghiwalay ang dalawa noong 2021. Nagkaroon din ng pagkakataong sinubukan ng dating mag-asawa na ayusin ang kanilang relasyon ngunit hindi rin ito nagtagunpay kalaunan.
Umulan ng papuri kay Jennica sa comment section:
“Correct. Pag masanay ka mag isa kaya mo pala”
“Isang bagsak galing”
“Very well said po, itaas ang kamay para sa mga solo parent jan”