Kay Ninong Ry tayo! Food vlogger hindi kakandidato, sa kusina lang tatakbo

Aprub sa mga fans ang hindi pagkandidato ni Ninong Ry sa eleksyon at pag-share ng recipe para sa masarap na binangkal.

Nakisakay na din ang sikat na food vlogger na si Ninong Ry sa mga celebrities na nagpo-post ng kanilang Certificates of Candidacy, pero ang hawak na papel ni Ninong, tiyak na walang Pilipinong tututol.

Paano, ang hawak ni Ninong Ry ay isang recipe para sa masarap na ulam at hindi dokumento para tumakbo sa darating na halalan.

Kaya naman sobrang happy ang mga fans lalo na nang i-zoom ni Ninong ang kanyang sikretong malupit para sa pagluluto ng binangkal.

“The best ka talaga lods,it’s a sign of generosity”

“VOTE FOR BINANGKAL RECIPE! thank you Ninong!”

“Good job nong”