Inulan ng papuri ang lungsod ng Quezon dahil sa pagtayo nito ng isang evacuation center hindi lamang para sa mga tao, kundi para sa mga fur babies na apektado ng matinding ulan at pagbaha dala ng bagyong Kristine.
Sa isang post ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinakita ng rescue team na kasama sa isip nila ang mga alagang hayop ng mga residenteng nasalanta ng bagyo kaya nagtayo rin sila ng isang temporary shelter para sa kanila sa Barangay Bagong Silangan.
“Sa kasalukuyan, mayroong limang aso ang pansamantalang lumikas sa pet evacuation area,” anila.
Tulad ng evacuation center para sa tao, may available rin na pagkain na ibinibigay sa mga pets para tiyak na komportable sila dito at hindi magugutom.
Tuwang-tuwa naman ang mga animal lovers sa naisip na ito ng lungsod at ang ibang netizens ay nagmungkahi na sana gawin din ito sa ibang lugar:
“Good Job Quezon City… Binigyan Ng halaga mga aso at pusa…”
“Sana lahat ng city may ganto!”
“Salamat sa inyo na mga rescuer at ksama ang mga dogs n cats.♥️sana lahat ng lugar ay may ganyan na pati mga dogs n cats ay ma rescue. God bless”
“Salute po sa inyo. Sana ganito sa lahat ng brgy para Hindi naiiwan mga pets sa ganitong sitwasyon”