Karir kung karir! Wedding photographer, aliw na nag-demo ng poses para sa prenup pictorial

Kung ang ibang prenup photographer ay magbibigay lang ng instruction sa couple, mas hands on ang style ng photog na ito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw ang mga netizens sa dedikasyon ng Indonesian photographer na si Axelio.Story sa TikTok kung saan idinemo niya pa sa bride ang mga gusto niyang maging poses nito sa kanyang prenup pictorial.

Kaya naman ang nangyari, may pa-holding hands, pasandig, payakap at pabida moments pa tuloy ang photog kay groom habang ang bride ay nanonood lang ng kanyang mga gagayahin.

Sa kanyang post, sinabi ng photographer na nag-eenjoy siya kung ang kanyang mga kliyente at marunong din makisakay sa kanyang creativity.

Aliw din ang mga commenters dahil sa pagiging chill ng mag-asawa.

@axelio.story Asiknya ketemu client satu frekuensi #weddingphotographer #wedding ♬ suara asli – axelio.story