Kapuso star Kyline Alcantara, masaya sa kanyang solo journey sa 2024!

Kapuso star na si Kyline Alcantara ready na sa pagigiging solo sa career ngayong taon.

Hindi na papaawat si Kyline Alcantara at ready na to take the risk ngayong 2024.

Ayon sa Kapuso star, excited siya na mag-experiment sa kanyang fashion style habang going solo naman siya sa kanyang career.

“I’m taking risks when it comes to styling myself this 2024, but you’ll definitely see other rebrands,” sabi ni Kyline sa panayam sa kanya ng Philstar.com sa pagbubukas ng Marc Jacobs’ sa Greenbelt 5, Makati City kamakailan.

“I can’t wait for more experiences when it comes to fashion!” dagdag pa ng aktres na kamakailan ay nakipagbreak up sa kanyang reel-to-real na ka-love team na si Mavy Legaspi.

Kahit solo sa career, masaya diumano siya. “I’m thriving so far,” she noted, “And I’m not alone. I’m with God. I’m with my team,” ani Kyline.