Bilib na bilib ang mga netizens ngayon sa isang Pinoy na kumakanta sa videoke na tila nasa isang rock concert.
Sa video na pinost ni Juan Talk PH sa YouTube, makikita si Mark Madriaga na kinakanta ang “The Flame” ng American rock band na Cheap Trick.
Ayon sa may-ari ng YouTube channel, si Mark Madriaga ay taga Agoo, La Union.
“Hands up ako sa kanyang boses. Napakagaling!” said Juan Talk PH.
“Ibang klase din talaga mga Ilokano. Magaling din talaga,” he furthered.
At hindi lang si Juan Talk PH ang napabilib ni Mark dahil bumuhos din ang papuri sa kanya mula sa mga netizens:
“Kung ganyan boses ng kapitbahay ko kahit magdamag syang kumanta di Ako magrereklamo at enjoyin ko nalang syang pakinggan.”
“They were born to be a singer kahit wlang formal voice lesson proud Pinoy we are very talented I produces na ng song Yan.”
“Nangangamot pa sa ulo yan… galing…ang lamig ng boses.. mga Filipino basta karaoke walang tatalo…”
“Ang linis ng boses at may quality pa hands up bro.”
“Grabeh ung boses niya ang gaan sa pakiramdam…. Kahit ulit ulitin, hindi nakakasawang pakinggan Lodi.”
“Talagang nasa dugo ng mga Filipino na maganda ang mga vocal voice ‘hubby ng mga Filipino talaga ang kumanta.”
“SArap matolog habang makikinig SA ganyang boses kumanta Kahit Magda Magan pa.”
“Marami tlgang Pinoy n maganda ang bosis idol.”