Kapatid na, kapusa pa! SB19 Justin de Dios nabuking na isa ring cat lover

Jah de Dios, tuwang-tuwa sa mga community cats ng TV5.

Para sa mga A’TIN, wala nang kailangan pa ang mga miyembro ng SB19 para lalong maging perfect, pero ipinamalas ng bunsong MAHALIMA na kaya pa niyang magbigay ng mas maraming rason para magpakilig.

Para sa isa niyang guesting sa TV5, napansin ni Jha ang isang area kung saan naglalagi ang mga community cats sa pangangalaga ng mga empleyado ng estasyon kaya’t lumapit pa ito sa mga pusa para makipag-interact dito.

Nanghinayang din si Jha dahil hindi na siya pwede pang magdagdag sa kanyang mga alaga kaya’t hindi na niya naiuwi ang mga cats na up for adoption sa Reliance Office ng TV5.