Noon, pastime lang ni Teacher Karla Bagtas ng San Simon National High School sa Pampanga ang vlogging, pero hindi niya akalain na magiging daan ito upang makatulong at makapag-inspire ng marami.
Mula nang magsimula siya mag-vlog noong Oktubre ng nakaraang taon, umabot na sa mahigit 810,000 ang kanyang followers na naaaliw sa kanyang mga kwelang videos.
Daan-daang estudyante na rin ang kanyang natulungan, sa pinansiyal man o sa mga pangangailangan sa eskwelahan. Tanggal naman ang stress ng kanyang mga kapwa guro pag siya na ang kasama dahil likas na mapagpatawa ito.
Dahil sa kanyang mga mabuting ginagawa para sa mga estudyante, naging inspirado silang pumasok araw-araw at determinadong makapagtapos.
Kamakailan, na-touch ang netizens sa kabutihang ginawa ng teacher vlogger para sa isa sa kanyang mga estudyante nang nalaman niyang nagkaroon ng komplikasyon sa puso ang in anito at hindi na makakapagtrabaho.
Sinagot na ni Teacher Karla ang baon at pamasahe ng estudyante sa buong school year. Masipag din ang estudyante dahil sumasideline din ito na sa pagdedeliver ng mga parcel.
“Napag alaman ko na itong batang to bukod sa nagdedeliver ng parcel, naglalako din ng pandesal! Naka bike! Grabe ang sakripisyo ng batang to. Walang pinipiling trabahoš„¹š«¶š»,” ang caption ni Teacher Karla sa kanyang video.
Ang taging hiling lang niya sa mga tinutulungan niya ay huwag silang tumigil sa pag-aaral. Batid rin ni Teacher Karla ang hirap ng pagiging guro.
“Patuloy lang po tayo ma’am. Yes po, stressful po ang trabaho natin, [nakaka] pagod ang trabaho natin pero at the end of the day, lagi lang natin i-remind ang sarili natin, kung ano ba ang goal natin,ā ani Teacher Karla sa panayam ng Department of Education Regional Office.
Dagdag pa niya, āAt ang goal natin ay para sa bata, para magkaroon tayo ng matatag na estudyante para sa Pilipinas.ā Itinampok si Teacher Karla sa isang video na pinalabas ng Deped Regional Office sa social media bilang paggunita ng National Teachersā Month.