Mukhang sanay na sanay na talaga sa kulturang Pinoy ang content creator na si Jake Taylor o Kuya Jake, isang Amerikanong nakapangasawa ng Pinay, dahil palagi niyang itinatampok sa kanyang vlog ang mga ugaling Pinoy na kanya nang nadadala sa pang araw araw na buhay. Isa na dito ang pagsa sharon sa mga handaan.
Sa kanyang latest video, naaliw ang mga fans ni Jake sa kanyang paraan ng paghahanda sa pagte take out ng pagkain mula sa handaan dahil pasimple niyang bitbit ang kanyang armas sa pagsa sharon. Ngunit dahil nasa Amerika, imbes na plastic labo ang kanyang bitbit sa kanyang bulsa at naisipan nitong Ziplock ang kanyang dalhin.
Ang nakakatuwa pa sa mga video ni Kuya Jake, ipinapakita niya din sa kanyang content ang pagiging maaaalalahanin ng mga Pinoy sa kanilang bisita, dahil bukod sa supot ng take out na ulam lang ang ipinauwi sa kano ay pang isang linggong ulam na.
