Kamehameha! Mga Olympic medalists nagbigay pugay kay Goku ng ‘Dragon Ball’

Nagbigay inspirasyon ang mga atleta sa Olympics sa mga anime lovers.

Well-represented ang mga nerds, geeks at anime fans sa Olympics dahil ang winner ng pinaka kapanapanabik na 100m race sa kasaysayan ng palaro na si Noah Lyles, isa palang aminadong fan ng anime.

Matapos manalo sa karera, ibinalot ni Lyles ang sarili sa American flag at pumorma ng sikat na Kamehameha mula sa “Dragon Ball.”

Hindi lang si Lyles ang anime fan na nanalo sa Olympics dahil maging ang Men’s Sabre Team ng France ay nag-Kamehameha matapos nilang manalo ng bronze.

Kaya naman bukod sa mga sports fans, pati mga anime fans ay nagtipon na din para sumuporta kay Lyles at iba pang mga manlalaro sa Olympics.