Imbes na siguruhin ang sariling kaligtasan sa kasagsagan ng 7.4-magnitude earthquake sa Davao del Sur, isang guro ang naniguro na ang kanyang mga estudyante ay sumusunod sa safety protocols.
Imbes na palabasin ng silid ang mga bata, siniguro ng guro na si Limbe B. Lim na nag-duck, cover at hold ang mga bata at ipinasuot ang bawat isa sa ilalim ng mesa para masigurong ligtas sila kung mayroon mang magsipagbagsakang kisame o semento.
Kadalasan kasi sa sobrang panic ay nag-uunahan palabas ng gusali ang mga tao kaya’t nakkakaroon ng komosyon at injury.
Sa video, makikitang siniguro rin ng guro na ang lahat ng kanyang estudyante ay ligtas at paulit-ulit niyang sinabi ang instructions sa mga ito para kalmado lang ang mga bata.
Ayon sa mga netizen, malaking bagay ang pagiging kalma ni Teacher sa gitna ng emergency dahil hindi din nag-panic ang mga bata. Humanga din sila sa guro na inunang siguruhin ang kaligtasan ng mga bata bago din siya sumunod sa protocol.
“pagka very good kaayu nga mam uy..salute sa imo lim”
“Kudos, ma’am! I truly admire how you stayed calm and composed.”
“Kakalma sa maestra woi pati student very good”
“Ayos effective Ang earthquake drills”