Kalmahan mo lang, te! Yael Yuzon ginulat ng fan sa OA na pag-awit ng ‘Di Na Mababawi’

Aliw ang dulot ng isang OA na superfan ng Spongecola dahil mas nangibabaw pa ang kanyang pagsigaw kaysa sa pag-awit ni Yael sa stage.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nakakatuwa talaga ang mga interaksyon ng mga superfans sa kanilang idolo. Tulad na lamang ng isang fan na nanggulat kay Yael Yuzon ng Spongecola ng daigin pa nito ang singer sa kanyang pasigaw na pagbigkas ng lyrics ng “Di Na Mababawi.”

Tuwang-tuwa ang mga fans ng Spongecola frontman sa naging reaksiyon ni Yael na napadilat na lang sa gulat habang nasa stage at nagpe-perform dahil mas nangibabaw pa ang pagsigaw ng fan kaysa sa kanyang pagkanta.

Pero mukhang na appreciate naman ni Yael ang effort ng fan at siya na lang ang nag-adjust at nag lip-sync dito.

“Comedy si ate”

“Palong palo c ate ah .. meanwhile bf left the pnas.. ahaha”

“Yong reaction talaga ni yael hahahahah”

“Made my day hahaha”