Kalma lang guyyyysss! Carlos Yolo, itinampok sa isang nakakatuwang prank sa isang mall

Tagumpay ang prank ng isang content creator na gumamit ng kalokalike Carlos Yulo para mameke ng fans sa isang mall.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa sobrang kasikatan ng two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, pinagkakaguluhan ito kahit saan man ito magpunta. Kaya naman sinubukan ng isang content creator kung mabibiktima niya ang madlang pipol sa tulong ng kalokalike ni Caloy.

Para sa kanyang prank, tinawag ng vlogger na si Mang Jose ang kalokalike ni Carlos Yulo na si Carlos Yolo (Andres Santos), na unang sumali sa “It’s Showtime” para magpanggap bilang kanyang idolo.

Sa kanyang prank, nagpunta sila sa isang mall upang tignan kung dudumugin ba si Caloy ng mga fans lalo na kung ito ay papalibutan ng mga artistang kunwari at bodyguards. Nakasuot din si Yolo ng athletic jacket ng Pilipinas na malapit sa disenyo ng laging suot ng OG Caloy.

Mukhang naging epektib naman ang naging prank dahil malaki naman talaga ang pagkakahawig ng kalokalike sa original na Carlos Yulo. Maya-maya lang, maraming fans na ang lumapit para magpa-selfie habang ang mga hawi boys naman ay kinarir ang kunwaring pagbabatantay sa “Olympian.”

“Hahaha ito ung selfie ko tapos it’s a prank pala”

“may sumisigaw pa ng sample sample”

“Eyy muna kayo eeeeeeyyyyyyyy!!”