Habang abala ang karamihan sa paglikas dahil sa umano’y bomb threat sa Our Lady of Fatima University sa Pampanga, isang estudyante naman ang agaw-pansin at kinaaliwan online dahil imbes na mag-panic, nakuha pang mag-sunbathing ito sa gitna ng insidente.
Sa TikTok video na in-upload ni @dumpnishang___, makikitang ang estudyante naka-postura, nakahiga sa araw, at nagpa-flying kiss pa sa camera habang nagkakagulo ang iba.
@dumpnishang___ nagpasarap na lang talaga sa init #bombthreat #fyp #olfu #olfupampanga #trending ♬ laban lang bes laban laban lang sa hamon ng buhay – flop_plakado🇵🇸
Umabot sa mahigit 200,000 views ang video at ikinatuwa ng netizen ang kanyang pag-awra at chill na reaksyon sa ganap sa kanyang paaralan:
“Yung imbis mag panic ka pero nagpatapat ka nalng sa araw”
“hahahah umawra sa arawan, anw laban lang talaga”
“main character yan sha”
“inheat mhiema”
“Hoi HAHAHAHAHAHAHAHA”