Laughtrip ang dala sa netizens ng isang video ng “Instant Daddy” actor na si Jerald Napoles tampok ang kanyang pagpipigil sa “tawag ng kalikasan” dahil sa hi-tech na CR sa hotel room nilang mag-jowa sa Bangkok, Thailand.
“Anong problema mo?” natatawang tanong ng longtime girlfriend na si Kim Molina habang kinukunan ng video si Jerald na di mapakali kakahanap ng switch ng “see-through” bathroom.
Nais sana ng aktor na magbawas pero hindi niya magawa dahil transparent bathroom ang naka-install sa kanilang kwarto. “Andaming ilaw , walang pindutan,” natatawa at naasar na sabi ni Jerald sabay kamot sa ulo. Pati ang pagkatok sa salamin ay sinubukan na rin ng aktor pero wa-epek ito kaya lalo siyang tinukso ni Kim.
Maya-maya pa, nadiskubre din ni Jerald ang sikretong pindutan para bumaba ang blinds. Pero hindi pa natapos ang kanyang kalbaryo dahil mabagal rin ang pagbaba ng blinds.
Tawang-tawa naman ang mga netizens sa nasabing video ni Kim sa Facebook na umabot na sa 4.2 million views.
“Blind fold ka nlng sir.. siguradong hindi mo sila kita.. 😂”
“Off mo n lng lahat ng ilaw😂😂😂😂”
“Natawa ako sa tat*e nalang pag iisipin kapa hahahaha”