Ano pa nga ba ang dapat gawin kung nasa isang appliance store ka at nakita mong namimili ang isang OG ng OPM? Aba, pakantahin na yan!
Ganoon nga ang ginawa ng mga staff ng isang branch ng SM Appliance Center sa Parañaque City ng namataan nila ang lead vocalist ng True Faith, isa sa mga sikat na OPM band, na si Medwin Marfil.
Kaya nagmistulang mini-concert ang ganap sa branch na iyon ng biglang sinalang ng crew ang kantang “Dahil Ikaw” sa videoke. “Eh di syempre kumanta na,” sey ni Medwin sa kanyang Instagram post.
Namimili lang naman aniya siya ng washing machine noong araw na iyon dahil nasira na daw ang dating ginagamit nila sa bahay nang nilapitan siya ng staff sabay sabi: “Ser, sa True Faith ba kayo?”
Game naman siyang kumanta habang saklay-saklay pa ang bag, at natuwa na rin sa mga pangyayari dahil napasaya niya ang staff doon. “Kaladkarin man gud ko,” dagdag pa niya.
“Nagbayad ka na, nakalibre pa sila,” ani isang netizen. Pabiro namang sagot ng bokalista: “Haha! Basta masaya sila OK na. Hinge ako discount next time. Hahaha”
May isa naman na humirit na dapat mag-mask ang True Faith frontman nung namili ito. Kwento ni Medwin na naka-mask naman siya bago noon ngunit nakilala na marahil siya dahil pabalik-balik na siya sa branch na iyon nitong nagdaang mga araw.
“But it was the 3rd visit in a row dahil sunod sunod nag conk out appliances sa bahay. So malamang before pa lang that 3rd time they wanted to ask me na if ako singer ng Truefaith,” kwento pa niya.
Palakpakan naman ang mga netizens sa kanyang kilos na nagdulot ng good vibes sa SM staff.
“Awwww what a nice thing to do, I get it made their day!”
“Always gives me goosebumps when you sing. Super good vibes for the SM peeps for sure!”
“Yan ang tunay na performer!”
“Lupet talaga ni Lodi Meds,” dagdag ng isa pa.