‘Kala mo dinikit lang na Zest-O’: Hyper-realistic artwork ng klasik Pinoy juice drink, pinabilib ang netizens pati may-ari!

Netizens at pati ang may-ari ng kumpanyang gumagawa ng Zest-O, napabilib sa sobrang realistic na artwork ni artist RJ Burlat ng klasik juice drink.

Bilib na bilib ang mga netizens sa sobrang realistic na artwork ni RJ Burlat sa isang OG juice drink ng mga Pinoy, ang Zest-O.

Sa isang post sa Youtube ni RJ, pinakita niya ang kanyang Zest-O artwork na hyper realistic na kuha ultimo ang mga lukot at yupi ng tetra pack ng juice drink.

At hindi lang netizens ang napabilib dahil sa isang hiwalay na post sa Facebook, pinakita ni RJ na binigyan niya ng kopya ng kanyang Zest-O artwork ang mismong may-ari na si Alfredo Yao.

Bumaha naman ng papuri sa artwork ni RJ mula sa mga netizens na bilib na bilib sa husay niya sa pag guhit.

“Wow! Ang galing! Di sya mukhang drawing.”

“Wow Mas mukhang original Yong drawing kesa totoong zesto”

“Kala mo dinikit lang dun ung zesto sachet and straw”

“Ang galing. Parang tunay na product na dinikit sa frame”

Bukod pa sa Zest-O, madaming art work pa ang kabibiliban kay RJ dahil meron din siyang mga guhit na aakalain mong tunay.

Sa kanyang Instagram page, makikita ang iba pa niyang ginuhit gaya ng bente pesos na barya at bill, bucket ng Jollibee Chickenjoy, kutsara, Mentos, at mga baraha.