Kakulitan ni June Mar Fajardo, benta sa netizens

Seven-time PBA MVP June Mar Fajardo nakuha pa magbiro sa gitna ng intense na laban
Found this article interesting? Help others discover it too!

Itinuturing na GOAT ng Philippine Basketball Association (PBA) si June Mar Fajardo matapos niya makakuha ng pitong Most Valuable Player (MVP) awards at sampung championships.

Sa gitna ng intense na labanan, inaasahang seryoso at determinado palagi sa June Mar na buhatin sa panalo ang San Miguel Beermen.

Kaya sa di inaasahang pagkakataon, nagpakita ng kanyang pagiging joker si June Mar sa isa sa mga bouncer ng Smart Araneta Coliseum sa gitna ng laro ng PBA kamakailan lang.

Sa video na pinost sa YouTube ni @erikzvlog, makikita si June Mar na dahan-dahang pumwesto sa likod ng isang bouncer bago magbalik ang laro mula sa isang timeout.

Nang makuha ang maayos na pwesto sa likod ng bouncer, pabirong binox out ng SMB main man ang naka game face na mama.

Paglingon ng bouncer, natawa na lamang ito ng makitang si June Mar pala ito na napagtripan siyang banggain sa kanyang pagkakapwesto.

Sinundan naman ito ng tawanan ng dalawang mama matapos ang sandaling LOL moment.


T
Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa ginawa ni June Mar dahil lumabas din ang kulit niya sa court sa wakas.

“Cute nman ni idol.. hehehe. Cya na ang nakita kng napakabait maglaro sa PBA..”

“Mabait yan si JMF palabiro talaga.”

“Makulit talaga ang pinoy”

“Umandar ang kakulitan ni abay”

“Hahaha ayos bai imong gi pakatawa ang security guard”

“Solid box out ni Abai JMF”