Para sa mga fans ng anime, lalo na ang Dragonball series, isa sa pinaka OP (overpowered) na karakter sa serye ang God of Destruction na si Lord Beerus o Beerus-sama. Kaya naman nang literal na makaharap ng isang motorista sa daanan si Beerus, hindi niya alam kung siya ba ay mamamangha o matatawa.
Sa Facebook group na Anime World, ibinahagi ng netizen na maiinis na sana siya sa isang Grab motor sa unahan niya dahil ilang beses na siyang ginigitgit. Ngunit nang makaharap niya ang laman ng pet carrier ng pasahero ay agad tumiklop ang tapang niya.
Aba naman, hindi naman araw-araw mong makakaharap ang isang sphinx cat na kuntodo bihis na tulad ng sa Dragonball character na si Lord Beerus, na sa isang pitik ng Hakai ay kayang magbura ng isang buong universe.
Mukhang hindi rin maganda ang mood ng pusang bitbit ng kanyang amo kaya’t minabuti na lamang ng netizen na kumalma na lang para sa ikabubuti ng sangkatauhan. Mahirap na at baka mabura pa siya sa Earth.
“Salamat sa mga payo niyo mga idol. Ligtas na po ang universe natin. Pinatulog na siya ni Whiz. Pero sabi ni Beerus-sama, wawasakin niya daw planeta natin pag hindi kayo nag follow,” wika ng Anime World
“Bwenas.. Ng Dahil sau muntik na taung mawala sa mundo,” sabi naman ng isang netizen.
“Subukan mo ka earthlings hahaha si beerus sama lng nmn yan,” sambit ng isa pa.
“C beerus-sama ba nman eh. wala na satayo ngayon kung hindi ka naging mahinahon.”
“Salamat. Ngaun ligtas n ang mundo,” dagdag ng isa.