‘Kakampi mo ‘ko’: Brent Manalo, nangakong magiging ka-duo pa rin ni Mika Salamanca sa outside world

Matindi ang naging bonding ng BreKa tandem kaya’t ang kanilang samahan, bitbit nila palabas ng Bahay ni Kuya.

Hindi lang sa loob ng Bahay ni Kuya magtatapos ang magandang samahan ng Big Winners na sina Brent Manalo at Mika Salamanca dahil si Brent, nangako na ang kanilang pagiging magka-duo ay extended hanggang sa outside world.

Sa kanyang thank you post, pinasalamatan ni Brent ang kanyang mother network sa pagkakataong ipakita ang tunay na siya sa pamamagitan ng kanyang journey. Pinasalamatan din niya ang kanyang mga naging housemates at supporters na tumulong sa kanilang pagkapanalo.

Pero siyempre, dahil sa tindi ng kanilang pinagdaanan, special ang kanyang shoutout sa kanyang ka BreKa duo na si Mika.

“Mika, magkaduo tayo sa loob— pero mas masasandalan mo ako ngayon na nasa outside world na tayo. Kakampi moko,” aniya.

“Thank you Kuya, thank you pbb. Thank you housemates. Thank you Kapamilya. Thank you Kapuso. All Glory to God,” pagtatapos niya.