Kakaibang travel goals! Netizen, trip libutin ang mga Lazada Sorting Facilities

Isang netizen ang nagka-ideya para sa kanyang travel goals ng mamataan niya ang pomosong Cabuyao Sorting Facility na nababanggit sa Lazada app.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwing mag o-order sa mga online shopping sites tulad ng Lazada ay karaniwang makakakita ng update kung nasaan na ang mga package na inorder. Isa sa mga kadalasang nakikita ng mga taga-Luzon ay naibagsak na ang kanilang parcel sa Cabuyao Sorting Station.

Isang netizen ang nag-post ng picture ng sorting center ng Lazada sa Cabuyao Laguna nang madaanan niya ito habang nagbabiyahe at mukhang naintriga pa ito kung ano ang hitsura ng iba pang sorting facilities na karaniwang nababanggit sa app tulad ng lokasyon sa China.


Aba, at mukhang marami ding naging interesadong gawing travel goals ang mga Lazada facilities na ito. Forda go!