Nag-uumapaw ang well wishes para sa couple na sina Robi at Maiqui Domingo nang ibahagi nila sa isang creative na paraan ang kanilang pregnancy news.
Imbes kasi na gawing formal announcement, sikreto nilang kinunan ang reaksiyon ng mga taong malalapit sa kanila nang sabihin nila ang kanilang good news.
Sa post ni Robi, ibinahagi niya sa kanyang mga fans ang unang pagkakataon na mag-positive sa pregnancy test ang kanyang misis noong Setyembre.
Kung maluha-luha na ang mga fans sa genuine na reaksiyon ng mag-asawa, sinundan pa ito ng kanilang simpleng pagpapakita sa kanilang mga malalapit na kaibigan at kaanak ng magandang balita gamit lang ang larawan sa cellphone.
Umulan ng good vibes mula sa mga kaibigan nila Robi na hindi mapigilan na yakapin at minsan ay halikan pa ang couple dahil sa sobrang saya nila para sa mag-asawa.
Nauna na kasing nasabi ni Robi na gusto nilang bumuo ng pamilya ni Maiqui pero mas mahirap itong gawin dahil may pinagdaanan ding health condition ang kanyang maybahay.
Nag-celebrate din ang mga fans kahit hindi nila kilala ng personal ang mag-asawa.
“YEHESSSS!!! OMG I’m incredibly over the moon do you both!!😭😍💙”
“Still crying 😭♥️ SOSO HAPPY FOR YOU BOTH!!”
“Oh my!!!! Congratulations!!!! I love you both!!!! I’m so proud of you as well Maiqui. Gosh, I’m teary-eyed now… no joke…”
“OMG! Congratulations! 🩷 Dont know you guys personally but I am genuinely happy huhu 🥺🥰”