Kakaibang paandar ng isang animal shelter: ‘Neuter your ex’ para sa Valentine’s Day!

Sa murang halaga, isusunod ng New Jersey animal shelter na ito ang isang feral cat sa pangalan ng iyong ex at pagkatapos ay kakapunin o i-spay ito bago ibalik sa kanyang lungga, bilang parte ng kanilang trap-neuter-return program.
Found this article interesting? Help others discover it too!

May kakaibang paandar ang isang animal shelter na ito sa New Jersey para sa may mga matitinding hugot at gustong “maghiganti” sa kanilang mga ex ngayong Valentine’s Day.

Sa halagang US$50 (mahigit kumulang Php2,800), ipapangalan ng Homeward Bound Pet Adoption Center ang isang feral cat sa pangalan ng isang ex at pagkatapos ay kakapunin o i-spay ito bago ibalik sa kanyang lungga kung saan ito nahanap.

“Neuter your ex for Valentine’s Day…because some things shouldn’t breed,” ayon sa nakakaaliw na promosyon ng shelter bilang bahagi ng kanilang trap-neuter-return (TNR) program.

Ayon sa shelter, ang kanilang TNR program ay isang mahalagang parte ng community cat population control. Sa pamamagitan ng mga donasyon, nakakapag-alok aniya ang shelter ng libre o sa pinakamurang halaga na spay o neuter surgery para sa mga pusa sa komunidad.

“You can send your $50 and your ex’s name via any of our payment platforms. Please note that full names will not be used. First names or nicknames only,” paalala ng shelter.

Bukas rin ang programang ito sa kahit sino—hindi lamang sa mga taga-New Jersey. “You do not only have to live in NJ to do this,” dagdag pa nito.

Sa ngayon may limang pusa nang ipinangalan sa mga exes ng donors, at ito’y sina Sara, Rodney, Bambi, McCarthy at Major Tom!

Marami namang netizens pati na rin mga shelters sa iba’t ibang panig ng mundo ang natuwa sa kakaibang ideya na ito.

“This is awesome. I definitely want to help out while enjoying a little evil humor at the expense of a certain someone. Can I get a picture of the cat I sponsor with this? I’ll enjoy it far more than any picture of my ex,” saad ng isang netizen.

“Awesome idea for Namibian ferals,” mungkahi naman ng isa.

“Hahaha love this!”

“This just made my day—I love it!! This is priceless!”