Para sa mga magulang na nagtitipid para mapagkasya ang budget, kailangan may kanya-kanyang diskarte para malibang ang kanilang mga anak na humihiling ng pasyal. Tulad na lang ng tatay na si Ivan Juan, na imbes na sa Ocean Park dalhin ang kanyang anak ay isinama ito sa talipapa para makapag-sighting ng iba’t ibang uri ng isda.
Ang siste, nakahalata din ang bagets at nagtanong sa kanyang ama kung bakit wala sa aquarium ang mga isda at tila wala na ring buhay ang mga ito.
Naku, nabuking si father! Natuwa naman ang mga netizens na nag-imagine ng eksenang ito habang nasa palengke ang mag-ama lalo na ng naikembot pa ni Ivan ang kanyang sagot sa anak at sinabing naka breaktime lang ang mga isda.
“Update nyo po kami pag nasa Disneyland kayo pless”
“Tipid tips!”
“Nyemas na Ocean Park yan”
“sayang walang palengke dito”