Instant fiesta ang eksena sa mga kalsada sa Nicaragaua matapos i-anunsiyo na ang kanilang pambato ang nanalo bilang Miss Universe 2023.
Tila nagkaron ng on-the-spot parade sa Nicaragua nang sabay-sabay na naglabasan ang mga kotse at motor at bumusina na tila ba ginigising ang buong bayan para magdiwang.
Siyempre, naglabasan din ang mga #TeamBahay na pageant fans na game na game na rumampa sa mga kalsada dala ang bandera ng kanilang bansa.
Matatandaang noong Linggo ay nanaig si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios na unang nag uwi ng korona para sa Nicaragua mula nang una silang sumali sa patimpalak noong 1955.
Kahit hindi nagwagi ang ating pambato na si Michelle Dee, nakisaya din ang mga Pinoy sa mga Nicaraguan sa social media.
“Congratulations Ms. Nicaragua from the Philippines”
“Great love from the Philippines. Congratulations Nicaragua!”
“Congratulations, blessed be! Deserve!”
“Awww this is nice! Congratulations Nicaragua”
“Congratulations Miss Nicaragua, you deserve the crown!”