Kainez! Davao Conyo skit tungkol sa friend na laging maganda, nagpa-LOL

Naka-relate ang lahat tungkol sa isang friend na never nagmukhang basahan kahit ano ang isuot.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok sa mga fans ng content creator na si Davao Conyo ang kanyang skit tungkol sa pagkakaroon ng magandang kaibigan na kayang itawid kahit na gula-gulanit na pambahay.

Natawa ang maraming netizens dahil sa kanya-kanyang friend group nga naman ay hindi nawawala ang isang kaibigan na mukhang maayos sa lahat ng oras.

As usual, kanya-kanyang hirit na naman ang makukulit na netizens:

“nakaka offend yung mga clothes may binabagayan”

“napaisip tuloy kung ung damit ung mukhang basahan o si self.”

“Aay pak buti pa siya kahit anu isuot, pero asan ung commercial”

“Yung na realize mo na ikaw lang pala nagmumukhang yagit hahaha! Napanga-nga tuloy si Ante!”