Kaila Estrada, agaw-eksena sa ‘What hafen Vella?’ trend kasama ang kanyang fur baby

Pang best actress din ang datingan ng cute na alaga ni Kaila Estrada sa kanilang pagsabak sa “What hafen Vella?” trend.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi na nakayanan ni “Incognito” star Kaila Estrada at nakisakay na din sya sa “What hafen Vella” trend na nauso dahil sa lumang bidyo ni Kalokalike contestant Christopher Diwata.

Mas lalo pang naging cute ang video ni Kaila dahil ang kanyang guest ay walang iba kundi ang makulit niyang alagang pusa.

Patok na patok pa ang reaksyon nito dahil matapos “magsalita” ang kanyang fur mom ay tsaka naman nito tila “inaway” ang buhok nito.

@kailaestradaaa

I just had to

♬ original sound – Filipino Twilighttok 🍎 – Filipino Twilightok 🐀

Ang ikinatuwa pa ng marami ay ang kapansin-pansing matchy-matchy bangs ni Kaila at ng kanyang alaga. Natuwa din sila sa makulit na side ni Kaila na karaniwang mga seryosong karakter ang ginagampanan sa kanyang mga proyekto.

“nooo the cat is acting too 😭”

“parehas pa sila ng bangs”

“Ang cute pareho naka curtain bangs😂”

“HUHU UR CATTTT”

“naka curtain bangs din sya ee😅🙈😻”