Kahanga-hanga! Opisyal ng EU impressed sa mga estudyanteng Pinoy

Bilib ang Ambassador of the European Union to the Philippines na si Luc Vèron sa galing nga estudyanted Pinoy.

Walang duda, magagaling ang mga Pinoy na estudyante dahil madali silang makuha ng scholarship na inaalok ng European Union.

Isang patunay umano, ayon kay Luc Vèron, Ambassador of the European Union to the Philippines, ay ang dumaraming scholars na Pinoy sa mga paaralan sa Europa kada taon.

“We now have around 70-75 scholars sent to EU countries from the Philippines to study,” ayon kay Vèron sa ulat ng Philippine News Agency.

“Generally, Filipino students are very good,” dagdag pa niya.

Sa mga interesado sa scholarship program, ayon kay Vèron , ito ay para sa mga kumukuha ng bachelor’s degrees sa ano mang larangan na napili nila.

Kailangan lang ang direct application process sa tertiary schools’ office kung saan may naka assign para sa foreign exchange programs.