Napa-quota sa tawa ang mga netizens sa isang skit ng content creator na si Sassa Gurl tungkol sa mga kabataang tumatambay para magkwentuhan ng nakakatakot sa daan kada summer break.
Aliw sila sa post ni Sassa Gurl na gumanap sa iba’t ibang papel dahil kuhang-kuha nito kung paano magpatalbugan ng horror stories ang mga bagets na uhugin matapos na buong araw tumatambay para makipaglaro sa daan.
Ani ng ilang netizen, naalala nila ang sarili nilang kabataan dahil ito din ang kanilang gawain noong araw, lalo na ng wala pang pinagkakaabalhang “Grow a Garden.”
Biro pa ng ilan, kebs na sila kung amoy araw pa sila pero hindi talaga sila papasok ng bahay hanggang hindi sumisigaw ang kanilang mga ina para sila ay pauwiin.
“bata pa lang pala naging funny na tayo, funnywalain”
“Yung walang pang cellphone ang mga 90s kids😂😂😂”
“🤣miss those days na ganyan lang Yung kasiyahan ko🥺😊”
“tapos paniwalang paniwala naman ako😭”
“Me na uto-uto HAHAHHAHA”
“halos mabura yung mukha sa kakapunas iconic 😂”