Kabogerang tuko, nagpabilib sa pole dancing

Kakaibang talento ang ipinamalas ng isang tuko na gumamit ng lubid para mag pole dancing
Found this article interesting? Help others discover it too!

Maraming talentadong hayop na matatagpuan sa internet pero kakaiba ang talento ng isang butiki na naispatan ng uploader na si Nina Isabel Gallega. Nakatyempo ba naman siya ng tuko na napakahusay mag pole dancing.

Para masigurong merong resibo, siyempre mabilis na kinuha ng OP ang kanyang phone para mairecord ang kakaibang tuko na dinaig pa ang mga taong kumukuha pa ng lesson para maperpekto ang pole dancing.

Pati mga netizens ay napabilib dito at nainggit sa walang effort na galawan nito sa isang lubid na nagsilbi niyang pole. Pang professional din ang level ng confidence nito kaya naman lalong kinamanghaan ito ng mga manonood. Ilang netizens din ang nagpadala ng stars bilang talent fee ng tuko.

(Courtesy: Niña Isabel Gallega/FB)

“Buti pa ang tuko may talent!”

“Sana all tuko na may talent”

“Ang cute naman tignan nakakatawa”