Kabogera! Beki vlogger nagbalik-tanaw sa kanilang wedding ni misis, netizens bet na bet ang kanyang mga rampa

Growing family na rin sila ngayon dahil masusundan na ang kanilang panganay na mag-iisang taon nitong Disyembre.

Love knows no gender. Ito ang pinatunayan ng vlogger na si Dennis Rendon, isang beki, na nagpakasal sa kanyang avid follower na si Cherlina Campollo.

“Ready na akong maging tatay at nanay sa ating anim na magiging anak,” sabi ni Rendon, isang guro at vlogger, sa kanilang wedding vow at naghagalpakan sa tawa ang kanilang mga bisita.

Ikinasal sila ni Rendon noong Hulyo ng nakaraang taon at ang video clip ng kanilang kasal ay muli niya in-upload sa kanyang Facebook page na “Rendon Dennis VLOG” nitong Nobyembre 4, 2023.

Dagdag pa ni Rendon sa kanilang wedding vow na kahit pa man alam ng karamihan na bakla ang pinakasalan ni Cherlina, dating overseas Filipino worker (OFW), ito ay isang desisyon na hindi pagsisihan ng babaeng mahal niya.

Si Rendon at Cherlina ay may isa ng anak na mag -iisang taon na nitong Disyembre. Kasalukuyan ring nagdadalantao si Cherlina.

Natawa naman ang mga netizen sa kanilang video clip ng kanilang kasal dahil mas marami pa ang rampa ni Dennis, na kilala din sa tawag na “Tiyay Magda” sa kanyang followers, kesa sa kanyang asawa.

“Kabog na kabog. Best wishes po sa inyo,” sabi ng isang netizen.

“Ahaha, bet na bet ang vibe. Best Wishes to the newly-wed,” sabi naman ng isa.

“haha kabogera nga. Congrats po and best wishes,” dagdag ng isa.