K-pop idol Kim Myung-soo, mas mapapadalas sa Pilipinas dahil sa kanyang bagong career sa bansa!

Pumirma kamakailan ng kontrata sa dalawang label ang K-pop sensation at K-drama star na si Kim Myung-soo, na siyang dahilan na mapapadalas ang kanyang pagbisita sa Pilipinas.

Madadagdagan na naman ang listahan ng mga Korean oppa na mapapadalas sa Pilipinas dahil ang K-pop sensation na si Kim Myung-soo, mas kilala bilang L mula sa boy band na Infinite, ay pumirma ng kontrata sa Universal Records at GLXY Entertainment.

Ang dalawang label na it ang mangangasiwa sa kanyang mga proyekto at iba pang mga activities sa bansa.

“With this opportunity, I’ll definitely be returning to the Philippines more often,” sabi ng 32-year-old Korean heartthrob sa tulong ng isang interpreter sa isang press conference matapos ang kanyang contract signing.

Bumisita si Myung-soo nitong Nobyembre 11 hanggang 14 sa Metro Manila para opisyal na pirmahan ang kontrata at ilang photo shoot.

Unang nakilala si Myung-soo bilang miyembro ng idol group na Infinite na nag-debut noong 2010. Sumunod na taon, pinasok niya ang pag-arte at nag-debut sa Japanese drama na “Jiu.” Ang kanyang unang lead role naman sa K-drama ay ang web series na “The Day After We Broke Up” noong 2016.

Itinampok rin si Myung-soo bilang isa sa main cast ng “Ms. Hammurabai” noong 2018 at naging lead actor ng “Angel’s Las Mission: Love” kasama ang aktres na si Shin Hye-sun noong 2019. Ang kanyang latest na K-drama series na “Dare to Love Me” ay mapapanood sa Netflix.