Jose Mari Chan, apaw ang emosyon sa sabayang pag-awit ng ‘Christmas in Our Hearts’ ng Canadian fans

Hindi napigilan ni Jose Mari Chan na maluha sa reaksyon ng fans sa ‘Christmas in Our Hearts.’

Hindi mapigilan ni “Father of Philippine Christmas” Jose Mari Chan na mapaiyak ng hindi niya inaasahang sabay sabay awitin ng audience ang kanyang mga awiting pampasko sa isang concert na ginanap sa Edmonton, Canada.

Kamakailan lamang ay lumipad patungo sa Canada si JMC at ang The Company para sa “Christmas In Our Hearts: Ilang Tulog Pa Ba? Pasko Na!” na ginanap mula November 10 hanggang 19 sa Vancouver, Edmonton, Calgary, Winnipeg, at Toronto.

Dinumog ng mga overseas Pinoys na sabik sa Paskong Pinoy ang mga pagtatanghal at ninamnam ang musikang dala ng The Company at ni Jose Mari Chan.

Nang umabot sa punto kung saan inawit na ang “Christmas in Our Hearts” ay sabay sabay na umawit ang mga manunuod kasama si Jose Mari Chan, ng kanyang anak na si Liza at ang The Company, at dahil sa sobrang saya sa reaction ng crowd, naluha ang mang-aawit bago nagpasalamat sa audience.

Nadala rin ang emosyon ng mga netizens:

“Ahhhhwwwy naiyak din ako…  super duper mega bait ng taong yan kuya!!! I love the Man from the bottom of my heart”

“Love that song.”

“Jose Mari Chan is a legend and he doesn’t know it.”

“Filipinos love you!! You are the spirit of Christmas. You are the only singer in the country to be remembered every year when Christmas is approaching. And it will stay that way for years to come!!!”

“God bless you! At Mabuhay po kayo”

“congratulation po sir joe mari chan always love ur music years bck and till now”