Jollibee niyo, pagod na! Netizens, saludo sa mga mascots na nagpapasaya sa mga tao

Umantig sa damdamin ng mga netizens ang eksena kung saan nahalata ang pagkapagod ng isang Jollibee mascot.

Kahit hari ng pagpapabibo ang mascot ni Jollibee lalo sa mga children’s parties at promotion events, nauubusan din ng baterya ang masayahing bubuyog na paborito ng mga bata.

Kaya naman relate na relate ang mga netizens sa isang video ni Jollibee na sa sobrang pagod ay napa-walling na lang at napasalampak na lang sa sahig pagkagaling sa isang event sa isang ospital.

Kahit na pinipilit na maging magiliw ay halata ang pagod ng mascot na nagkunwari pang pupunta sa CT scan room para magpa-check-up.

Marami ang sumaludo sa mga emploeyado ng Jollibee na gumaganap na mascot dahil kahit mabigat ang costume ay todo energy ng mga ito para makapagpasaya ng mga tao.

“Salute sa lahat ng gumaganap ng character ni Jabe, puro kayo talented at malakas mga sense of humor. Galing mag isip ng kakulitan!”

“kung ganyan ang work dapat hnd mahaba ang oras mg duty, ang hirap kc”

“Pagud na, pero akucute parin.”

“Hirap kumita ng pera”