Jollibee naispatang umaangkas sa isang rider, nagdala ng good vibes sa internet

Jollibee muli nanaman nagpasabog ng saya sa netizens matapos maispatan na umaangkas sa isang rider sa Caloocan City.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwang-tuwa ang mga netizens matapos makuhanan ang mascot na si Jollibee na nakaangkas sa isang rider sa Caloocan City.

Sa Tiktok video na pinost ni James Bryan, makikita si Jollibee na nakasakay sa isang motor na tila may pupuntahan na party para magdala ng good vibes.

“Si Jollibee late na sa party!” pabirong caption ni James. Dagdag pang nagpasaya dito ang hit na kanta ng BINI na “Karera” na bagay na bagay sa video.

@jmsbrynx Si Jollibee late na sa party 😭 #jollibee #fyp #fypシ゚viral ♬ BINI Karera – BINI PH

Panalo din ang mga netizens sa kanilang mga comments matapos may magpahayag ng kunwaring pagalala sa seguridad ng mascot.

“hindi ba yan mahuhuli si jollibee kahit walang helmet”

“d pwede hulihin yan naka fullbody suit”

“jollibee mag helmet k”

Meron ding tila ginawan ng dialogue ang rider na inangkasan ni Jollibee.

“dalhan ka jollibee ni papa after work nak”

“Ma may baon akong Jollibee”

“literal na jolibee delivery”