Kinikilig ka na lang din ba sa relasyon ng iba? Relate na relate ang mga netizens na hindi mapalad sa pag-ibig sa isang Jollibee mascot matapos itong makuhanan ng POV video na kinikilig sa isang magkarelasyon na kumakain sa fast food restaurant.
Makikita pang napahampas na lang ito sa lamesa matapos subuan ng lalaki ng French fries ang kasama nito. Inabutan pa ni Jollibee ng pulang lobo ang lalaki na agad niya namang iniabot sa babae.
@jeneb1eee Hirap talaga pag sa relasyon ng iba kana lang kinikilig hahahaha 🫠 hehehe sweet nila 🥰 #jollibee #fyp #trendingtiktok #fyppppppppppppppppppppppp ♬ original sound – steve huinda
Natawa na lang ang magkarelasyon sa malaro at makulit na reaksyon ni Jollibee na tunay na nagpangiti rin sa mga TikTok netizens.
“hahaahha jollibee core 😍”
“Jollibee best reaction for me.. 😁”
“Ang cute mo jollibee 😂😂😂😂”
“ang hirap ngumiti hahaha lagi n lang ako nka ngiti sa relasyon ng iba sana ako naman 🥺🥺”
“Mga nakangiti:”