Jolina to LOL-ina! Aktres, nagbigay ng katatawanan sa pagsakay sa #posechallenge trend

Actress at TV host Jolina Magdangal nakisakay sa #posechallenge sabay hinaluan ng katatawanan na pumatok sa netizens
Found this article interesting? Help others discover it too!

Panalo ang ginawang pagsakay ng aktres at TV host na si Jolina Magdangal sa nauusong #posechallenge sa social media.

Sa kanyang post sa Facebook, pinakita ni Jolina na hindi pa din niya naalis ang kanyang comedic timing matapos niya magpakita ng iba’t ibang poses na akala mo’y isa siyang model pero may halo itong kalokohan at katatawanan.

“Sabi na nga ba pwede talaga akong pang model e,” sabi ni Jolina.

Kabilang sa mga pose niya ay ang paglalakad sa lobby sabay nadulas, ang muntikan na niyang pagkaipit sa elevator, at ang pakikipagusap sa telepono ng bigla siyang tumama sa upuan.

Ang #posechallenge ay isang nauusong trend sa social media kung saan ginagawa ng mga netizen ang mga kadalasang poses na pinapakita sa mga magazine at iba pang printed materials. Patok na patok naman sa mga netizens ang pagjoin ni Jolina sa #posechallenge trend. “Ang cute nman jolens” “Iconic parinn” “So cute po momshie jolens.. beautiful” “Simpleng model pro my komedyan” “nakakaaliw” “Hahahah ang kulit” “Ikaw parin talaga si kikay ng buhay ng batang 90’s”