Jodi Sta. Maria, saludo sa mangangalakal na inuuna pa ang kapakanan ng mga alagang aso

Humanga ang aktres na si Jodi Sta. Maria kay Tatay Carlos na kahit nakatira lang sa pedicab ay love na love ang mga alagang aspin.

Dahil isa na rin siyang fur mom, saludo ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa mga taong mapagmahal sa mga alaga kahit kapos sa buhay.

Sa isa niyang Instagram post, pinuri ni Jodi si Tatay Carlos, na kahit walang sariling tirahan ay nagagawa pa ding unahin ang kapakanan ng kanyang mga alagang aspin na karay-karay niya sa kanyang pedicab para maghanapbuhay.

Aniya, napakabuti ng puso ni Tatay Carlos na nagawa niya pang alagaan ang mga aspin kahit na siya mismo ay hindi marangya ang pamumuhay. Nagpasalamat din si Jodi sa DLSU PUSA, na tumutulong kay Tatay para sa pangangalaga ng kanyang mga fur babies.

“Tatay Carlos lives in a pedicab but despite his circumstances, he has opened his life to these beautiful aspins, giving them the love and care they deserve,” ani Jodi.