JK, may pangarap maging konduktor? Sa sobrang pogi wala nang gusting bumaba

Tuwang-tuwa ang mga fans sa latest na napag trip-ang gawin ni Juan Karlos.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Walang dull moment kapag katrabaho mo ang isang Juan Karlos Labajo. Bukod sa napakagaling na performer ng “High Street” star at “ERE” hitmaker, punong-puno din ng kakulitan ang byahe kasama nito.

Ito na nga ang ibinahagi ng isang katrabaho ni JK nang napag-tripan nitong maging konduktor at bumaba sa kanilang van para testingin ang galing niya sa pagtatawag ng pasahero.

Mula sa tuwalya sa balikat, sombrero, at maging sa mga perang nakaipit sa kanyang daliri, kuhang-kuha ni JK ang pormahan ng mga konduktor ng bus.

Ang tangi na lamang tanong ng mga tao, bakit naman napakatisoy ng konduktor na ito?

“lang taon na ako naging Konduktor pero wla pa nag bidyow sa akin ng ganun at di nmn ako ganyan ka” Pogi.”

“Kapag ganyan ka poge condoctor baka di na ako baba”

“Ang gling nya mgtawag ng psahero hoiiii dw”

“Walang para-para kpg ito ang konduktor”