Jinu, is that you? SB19 Justin, nagpakilig sa cover ng ‘Free’ mula sa ‘KPop Demon Hunters’

Muli na namang na in-love ang mga stans ni SB19 Justin sa kanyang cover ng “Free” mula sa “KPop Demon Hunters.”

May bagong entry na naman ang bunsong Mahalima na si Justin de Dios nang maisipan nitong gumawa ng “Sing with Me” video para sa kantang “Free” mula sa “KPop Demon Hunters.”

Paano namang hindi mapapakilig ang mga fans, kinanta ni Justin ang part ni Jinu habang ang part naman ni Rumi ay ipinaubaya niya sa mga fans na nanonood na para ba silang nag du-duet sa ibabaw ng bubong.

Bet din ng mga fans ang fashion ni Justin na inspired din ng karakter ni Jinu.

@justintdedios Duet FREE with me! #KPOPDemonHunters #Jinu ♬ original sound – justin

Ang mga A’TINs naman na aminadong wala sa tono, kanya-kanya na lang hirit para sa kanilang pinaka-cute na mais.

“Justin as jinu?”

“nag scroll lang napakanta pa”

“ATIN’DANCE NG MGA EARLY MAIS:”

“Your voice:😍😍😍 My voice:👹👹👹👹”

“nahiya ako sumabay, boses kargador boses ko”

“you can DU-ET!!”