‘Jesus isdatchu?’ Cute encounter ng 2-anyos na bata sa isang foreigner na ka-look alike ni Hesus, kinaaliwan ng netizens

2-anyos na bata na nagka-'encounter' kay 'Jesus' sa isang bookstore, patok sa netizens.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw na aliw ang mga netizens sa hindi inaasahang encounter ng isang 2-anyos na batang si Gavin Oro sa isang foreigner na napagkamalan niyang si Jesus Christ.

Sa Tiktok post ni “Life with Gavin,’ makikita ang batang namamasyal sa isang bookstore kasama ang kanyang mga magulang nang biglang makasalubong ang isang foreign national na mahaba ang buhok at may bigote.

“Jesus?” sabi ni Gavin sabay turo sa foreigner na makikitang natawa sa sinabi ng bata. Agad namang sinabi ng tatay niyang si Betong na hindi si Jesus ang kanyang naka encounter.

Game namang sumakay ang foreigner matapos nitong tanggalin ang tali ng buhok para maging full on “Jesus” mode siya.

“AYUN NA NGA! NAKITA NIYA NA! Thank you kay kuya. gumanap din talaga siya eh,” sabi ng @pamilyaoro.

@pamilyaoro Replying to @Zilong_god’s AYUN NA NGA! 😂😭 NAKITA NIYA NA! Thank you kay kuya. 💙 gumanap din talaga siya eh. #lifewithGavin #fyp ♬ original sound – Life with Gavin 👻

Puro good vibes naman ang dala ng video sa mga netizens sa naging “encounter” ni Gawin kay “Jesus”.

“true innocence of this kiddo but cute though.. let him believe that Jesus Christ really exists..”

“Yung guy talaga yung tinuro, kasi yung guy nandun kausap ni ate kaso lumakad kaya parang natulala sha dumaan sa harapan nya. Naku ang cute! Hahahaha”

“Nakita na Po nya si kuya na look a like ni Jesus.. kaya dun sya nag turo Akala nya andun pa .. kaya NAGULAT sya Wala na Nasa harap na Pala nya”