‘Jesus is real’: Isang bata, nagpatotoo sa tungkol kay Kristo bago pumanaw

Naka-witness ng isang himala ang isang bata bago ito bawian ng buhay.

Usap-usapan sa social media ngayon ang naging karanasan ng isang amang iniwan ng kanyang anak dahil sa karamdaman, ngunit nakaranas muna ng milagro bago ang kanyang pagpanaw.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng OP na si Joel Sia na bago na-rescucitate ang kanyang anak na si Jonathan sa hospital, parang meron itong gustong sabihin sa kanya, ngunit dahil hirap itong magsalita, minabuti niyang abutan ito ng papel at panulat.

Ayon kay Joel, parang may nakikita daw ang kanyang anak sa malayo at nung mabasa niya ang isinulat nito, ay nabigla siya dahil kahit konti na lang ang natitirang lakas nito ay naisulat nito ang katagang “Jesus is real,” bago ito bawian ng buhay.

Ani Joel, naniniwala din ang kanyang asawa na may liwanag din na sumundo sa kanilang anak at nakangiti itong sumama.