Jennylyn, kunin ang selpon nyan! Dennis Trillo, viral sa pag-troll ng Bruno Mars cover ni Tom Rodriguez

Kahit na-okray si Tom Rodriguez sa pag-cover niya ng “Versace on the Floor,” nabaligtad ni Dennis Trillo ang trend sa nakakatawa niyang sagot.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Umatake na naman ang kakulitan ni Dennis Trillo nang makiloko siya sa trending na cover ng kanyang kaibigang si Tom Rodriguez ng “Versace on the Floor.”

Gamit ang audio ng pag-awit ni Tom na binakbak ng maraming netizens, nakahanap si Dennis ng paraan para magpa-good vibes sa kanyang parody video.

Dahil sa sinabi ng mga fans na boses Mickey Mouse si Tom, gumamit din si Dennis ng Mickey Mouse filter sa kanyang video.

Patok naman sa mga fans ang paandar ng Kapuso star dahil agad na itong nag viral at may 1.4 million views na sa TikTok.

Panay naman ang kantiyaw ng mga netizens sa pang-aasar ni Dennis sa kanyang “My Husband’s Lover” co-star.

“Para kayong walang nakaraan ah”

“GMA paki bigyan Ng project si Dennis. Nag aaning aning na naman siya.”

“Jennylyn, kunin na ang selpon nyan!”

@dennistrilloph Bhe…Sache @Tom Rodriguez #fyp #foryoupageonly #goodvibesonly ♬ original sound – Tom Rodriguez