Isang malaking challenge talaga ang pagtawid sa Maynila, pero ang isang Hapon na si Hiro Kun ay may kakaibang paraan para ipakita na siya ay sumakses.
Sa TikTok video ni @pogijapanese, makikita siyang tumatawid sa pedestrian lane, at bawat sasakyang nagbibigay daan, agad siyang yumuyuko nang magalang para magbigay pasalamat sa driver.
Aniya sa comment section, “Since there aren’t many traffic lights in the Philippines, crossing the road is always a challenge.” Kaya bawat successful na kanyang pagtawid ay laking pasasalamat niya.
@pogijapanese 🇯🇵How Japanese People Cross the Street in the Philippines #fyp #shorts #japanes #in #philippines #funny #pov #bow #viral #polite #japanes #culture #LiveOutlandish ♬ Rock and Roll Session – Canal Records JP
Halong paghanga at pagkatuwa naman ang reaksyon ng mga netizens:
“Japanese are the most respectful and honest people… that’s why their country is the most progressive”
“pwde nman cguro gayahin to dba?😁😁”
“Wah JAPANESE siguro ako in my past life. Kasi until now pag nagpapasalamat ako sa nagpapadaan, yumuyuko ako.”
“crossing roads in the Philippines 🇵🇭 is like you’re playing tug of war 😂😂😂 kumbaga swertehan at patibayan ng guardian angel 🤣🤣🤣”